This blog contains M2M Erotic Stories about Love and Lust. We do not claim copyright or ownership of any stories in this Blog. BELOW 18 YEARS OF AGE ARE NOT ALLOWED IN THIS BLOG.

THE LIGHTNING TRAIN COMMUTERS BAND (CHAPTER 54)


By: Hallur


CHAPTER 54: ROCK STAR (Nickelback)


Kinabukasan, humangos ako sa record bar nang magbukas ang pinakamalapit na mall. Buti na lang off ko.

Nanginginig ang kamay ko na may hawak ang isang CD case sa may new releases section.

LRT na tren ang picture sa cover.

Binasa ko ang nakasulat.



The Lightning Train Commuters Band
Pedro Gil – Monumento Freedom Day




Napaisip ko ang album title. Naalala ko. Sa Pedro Gil pumapasok ng trabaho si Rodney. Ako naman sa Monumento umuuwi. Noon.

Tinalikod ko ang case at binasa ang song list.



1. Two Years After
2. Huwad na Paraiso
3. Leave Your Heart in the Morning
4. Gaze at Your Eyes
5. Pedro Gil – Monumento Freedom Day
6. Papuchino
7. More than What You Think of Me
8. Tadhana
9. Parang Ewan Lang
10. Dreamboy
11. Final Ounces of Sanity



Mabilis ang tibok ng puso ko habang binabasa ang mga title ng mga kanta.

Diyos ko. Na-produce na pala ang mga kanta ko! Song 1, 2, 3, 4, 8, 9, 10 at 11!

Kalahati sa akin masaya dahil alam ko mapakikinggan na ng mga tao ang awit na nilikha ko.

Kalahati sa akin ay malungkot, dahil kahit naging mainstream na ang banda, hindi nila ako kasama.

Agad kong binili ang album.



--------------------------------------------------------------------------------------------



I first saw you, two years ago… With those sad eyes and a smile of hope… I wanted to take you, but your told me to wait… So, I resigned everything to fate…

Pinakikinggan ko sa bahay ang unang track ng album ng banda, “Two Years After.”

Tinanggal ko ang album minibook mula sa case at binulatlat ito.

Nakalagay ang pangalan ko sa, “written by:”

At nandoon ang dalawang picture ng banda. Nakatayo sa LRT station. Sa ilalim ng neon sign na, “PEDRO GIL” at “MONUMENTO.”

Ganoon pa rin ang hitsura nila. Ampopogi pa rin. Mukha pa ring mga manyak.

Mga rakistang preppy look! Sikat na ang mga kabanda ko!



Tinitigan ko ang imahen ni Rodney sa picture.

Tangina. Naluha ako.

Bumuhos ng isang bugso ang lahat ng alaala.

Nagpa-palpitate na ako.

Shit. Mahal ko pa rin ‘tong taong ‘to.



Binasa ko ang message of thanks nila. Isa sa mga linya nila ay, “we would also like to extend our gratitude to our resident composer, former vocalist, good friend and sexy loverboy, Jayjay Alejandro. We hope that he is reaching his dreams wherever he is now.”

Tapos sa dulo nakalagay, “I, Rodney, would like to personally thank my muse. My music. My love. My soul and reason for existence. I will forever hope that our fortunes intertwine in the future. I love you very much. I love you forever. Iinom pa tayo ng Papuchino.”

Hindi sa pagmamalaki, pero alam ko na ako ang tinutukoy ni Rodney dito.

Napaluha ako lalo.

Dahil kahit sa tagal ng panahon, alam kong iyon pa rin ang damdamin namin para sa isa’t isa.



At dumating sa akin ang tanong na iniwasan kong tanungin sa sarili ko sa nagdaang dalawang taon.



“Ano na kayang nangyayari kay Rodney, Apple, at sa banda?”

Kahit gusto kong alamin, takot naman din akong matuklasan na si Rodney at Apple pa rin, at patuloy nilang pinalalaki ang kanilang anak.



--------------------------------------------------------------------------------------------



Kinabukasan, tulala ako habang nasa MedTech’s quarters. Morning shift.

Petiks lang, kaya lahat kami nasa loob. Nanonood si Gela at ang mga junior Medtech ng telebisyon.

“Okay ka lang?” tanong ni Gela.

Tumango ako, “puyat lang.”



“And now, let us give our hands to… Lightning Train Commuters!”

Napatingin agad ako sa TV nang marinig kong tumunog iyon sa speakers.

Nasa stage silang apat. At nasa harap si Rodney.

Nandiyan dapat ako. Nandiyan dapat.

Kinanta nila ang "Leave Your Heart in the Morning."

Grabe, telegenic si Rodney. At ang galing niyang project habang kumakanta.

At sila Sonny, Marko at Wendell, bigay na bigay din.

Sayang wala ako. Medyo manipis kasi ang tugtugan nila ngayon.



“Syet! Ang guwapo niyang si Rodney! Crush ko ang bokalista nila,” bulalas ni Gela.

“Asa ka, akin na ‘yan,” bulong ko sa sarili ko na hindi ko namamalayan.

“Huh?” pagtataka niya, “hindi ko narinig.”

“Kako baka may asawa o girlfriend na ‘yan,” palusot ko.

“Ahhh.”



Pagkatapos ng performance, in-interview sila ng babaeng host.

Taimtim lang akong nanood.

“Wow, grabe! I am so awed! The band of the moment is here sa studio!” hirit ng host, “how does it feel na nag-jumpstart agad sa number one and first single niyo.”

Ngumiti si Rodney, “ah, siyempre very overwhelmed din kami. Kasi pangarap na namin ‘to over two years in the making na nga. Hindi kami makapaniwala sa naging reception sa amin.”

“Paano ba naman kasing hindi kayo magugustuhan ng people, eh ang ganda ganda ganda ng song niyo. And I personally can say that you are a very well versed band,” paliwanag ng host, “at ang guguwapo niyo pa! Lalo ka na Rodney! Oh my god, pa-hug!”

Pinagbigyan ni Rodney ng hug ang host. Naghiyawan ang mga tao.
“Beh! Inggit kayo,” pang-iinis ng host sa audience, “grabe, so for the other band members. How did you get to meet each and everyone?”

“Ah, through various church, school and battle of the band events,” sagot ni Sonny, “actually lima dapat kami, kaso ‘yung keyboardist namin went to Ilocos para mag-work sa hospital. Pero he wrote most of the songs in the album, kaya laking pasasalamat namin sa kanya.”

Hala nabanggit pa ‘ko. Naisip ko.

Tumili si host, “grabe. Nakakaloka! Pinaliligiran ako ng apat na guwapo at talentadong boys! Sana makabingwit ako ng isa. And Rodney balita ko, single parent ka daw.”

Tumango si Rodney, “ah, oo. I have a son. The very cute Jayrod Apolonio dela Torre.”



WHAT THE! SINGLE PARENT?!

At ang pangalan ng bata. Parang pinaghalo-halo naming pangalan nina Rodney at Apple.



“Wow, and I heard widow ka na daw,” dagdag ng host.

“Yeah, my wife Apple died last year,” ani Rodney, “hindi na ma-control ang metastasis ng nasopharyngeal cancer niya.”

“And you knew about her condition even before nagpakasal kayo?” tanong ng host.

“Yes, she’s very important to me. I wanted Apple to be happy in the final days of her life,” kwento ni Rodney, “at wala naman ang pagsisisi, because she had been nothing but a good mother and wife hanggang sa mabawian siya ng buhay.”

“Awwww… Ang sad… Pero ang sweet…” sambit ng host.



Nakapamuglat ako sa pagkabigla sa mga narinig ko.

Sa utak ko parang may isang pirated na CD na patalon-talon ang tunog na nagsasabing, hala… hala… hala… hala… hala… hala…

Mula pa noon alam na pala ni Apple na terminal na siya.

Naiintidihan ko na ang lahat ng sinabi niya sa akin nang huli ko siyang nakita.

…I know, you have all of his heart already, kahit hindi kayo magkatuluyan ikaw pa rin ang may-ari ng puso niya. Now I just have to settle with what’s left of him for the rest of the short life I’m going to live… Sisiguruhin ko, na magiging masaya ang hinaharap ni Rodney. At hinaharap mo rin…

Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman.

Para akong binombahan ng malamig na tubig ng katotohanan.



Nagbago ng topic ang host “I think every girl tuning in would love to know, are you all single and available?”

Tumango si Sonny.

Ngumisi si Marko, “oo naman. Gusto gusto naming may magagandang babae sa shows namin.”

“Oo nga, sila inspirasyon namin,” hirit ni Wendell.

Dalawang ito talaga. Kamanyak, yamot kong naisip.



“Ikaw Rodney?” usisa ng host.

“I’m single and waiting. Waiting for that someone.” Nakatitig si Rodney sa camera na tila nakikipag-usap… sa akin.

“Wow, what a lucky someone that girl would be,” natutuwang banggit ng host, “oh, before we leave for a break, meron ba kayong mga ipa-plug o babatiin?”

Nag-plug si Sonny sa mga shows nila. Nakakatuwa dahil umaabot na sila sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. Tapos binati nila ang lahat ng mga katrabaho nila sa recording. At ilang kamag-anak.

“Saka binabati din namin si Jayjay, ‘yung keyboardist namin!” pahabol ni Sonny.

“Oo nga, Jayjay! Paramdam ka naman!” hirit ni Marko.

“Miss ka na namin,” dagdag ni Wendell.

Walang kaalam alam ang mga Medtech sa tabi ko na ako na ang binabati ng band members na pinapanood nila.



Tapos nagsalita si Rodney sa camera, “saka Jayjay. Buksan mo na ‘yung sobreng binigay ko sa’yo! Thank you sa mga fans!”

“We’ll be right back, after these messages,” paalam ng host.

Commercial break.



--------------------------------------------------------------------------------------------



Humangos ako pauwi ng bahay pagkatapos ng duty ko.

Agad kong hinanap ang susi ng secret drawer sa loob ng closet ko.

Binuksan ko ang drawer.

Ang tanging nandoon ay ang sobreng binigay sa akin ni Rodney bago kami maghiwalay sa Maynila, two years ago.



Huwag mong bubuksan ‘yang sobreng ‘yan hangga’t di ko sinasabi…

Iyan ang huling bilin niya tungkol sa sobreng binigay niya.

At nag go-signal na siya na buksan iyon via nationwide TV broadcast.



Dumadagundong ang dibdib ko habang unti-unti kong binubuksan ang sobre.

May nakatuping papel sa loob.

Nilabas ko ito at binasa ang apat na salitang nakasulat gamit ang makapal na pentel pen.



JAYJAY BUMALIK KA NA.
5

THE LIGHTNING TRAIN COMMUTERS BAND (CHAPTER 53)


By: Hallur


CHAPTER 53: RADIO (The Corrs)


Ikatlong Sabado ng Setyembre.

“Guys! Ikatlong Sabado na ulit!” pabiro kong sabi kay Gela at sa mga junior medtech kong petiks lang during graveyard shift, “knock knock joke time na!”

“Hayan na naman si Sir Jeremy sa kakornihan niya,” yamot na sabi nung isa.

“Knock knock!” bulalas ko.

“Who’s there?” walang gana nilang sagot.

“Fire apoy!”

“Fire apoy who…?”

Pikit-pitik-pitik pa ako habang kumalanta. “If fire apoy… Even just for a day… I’d roll out of bed in the morning…”

“Boo…” pabirong hirit ng isa pang junior.

Natawa ako, “wala kayong galang sa head niyo, huh?!”

Nagtawanan na kaming lahat. Hindi ko kayang tapatan ang kakuwelahan ng ex-boyfriend ko.



Si Ma’am Gela naman umalingawngaw ang tawa sa lahat.

“Dahil diyan, bibili kita ng burger machine sa labas,” sabi niya sa akin, “napatawa mo talaga ako do’n.”

“Sus naman Ma’am Gela, ikaw lang naman tumatawa sa kakornihan nitong si Sir Jeremy,” sabi ng unang junior, “yihiiii!”

Namula si Gela, “ano ba! Asar kayo! Eh, sa mababaw ang kaligayahan ko! Siyangapala, gumawa ka na ba ng facebook mo sir, para add ko kayo.”

“Naku, sinabi ko naman sa’yo wala ako hilig sa ganyan,” tutol ko.

Pero sa totoo lang, wala akong mga social networking sites dahil ayoko talagang matagpuan ako ng nakaraan ko. Noong nasa bus nga ako papuntang Ilocos two years ago, tinapon ko sa NLEX ang sim card ko. Para hindi na ako matempt na makipag communicate sa banda, lalo na sa bokalista.

“Try mo na kasi, masaya ‘yon,” pilit ni Gela, “anyways, ano’ng burger ang gusto mo?”

“Ma’am, ‘wag mo na ako bili, nakakahiya na sa’yo,” turan ko.

“Ano ka ba, ngayon ka pa nahiya, eh na-boo ka na nga,” natatawang tugon ni Gela, “oh siya, bibili na ako. Bibili na ako. ‘Yung ibang junior, sige. Tig-iisa kayong zesto. Kasi binoo n’yo si Sir!”

Halakhakan kami hanggang sa umalis siya.



“Sir, hindi ka ba nagagandahan kay Ma’am Gela?” tanong ng isang junior pagkalabas ni Gela.

“Oo naman. Nagagandahan ako, kahawig nga ni Katrina Halili,” sagot ko.

“Ay naku sir, halatang-halata naman na may gusto sa’yo si Ma’am Gela. Kung puwede ‘atang manligaw ang babae, ginawa niya na ‘yun matagal na,” dagdag ng pangalawa.

Hindi ako nakaimik. Hindi naman ako tanga para hindi mahalata ang pagpaparamdam sa akin ni Gela.

“Bakit hindi mo siya ligawan? Hindi mo ba siya gusto?” tanong nung una.

“Sinabi ko na sa inyo ‘di ba? Ang true love ko, naiwan ko sa Maynila,” paliwanag ko.

“Sus, hindi na uso ang long distance relationship! Ano na nga pangalan niya?” anang pangalawa.

“Apple,” sagot pero. Pero siyempre, sa loob ko, ang lalaking kasama ni Apple ngayon ang tinutukoy ko. “Mahal na mahal ko ‘yon, eh. Sigurado naman akong mahal din niya ako.”

“Hay naku sir, ang korni mo na nga mag-joke, naniniwala ka pa sa fairy tales,” buska ng una.

Tumawa na lang ako.



Mahirap magsinungaling at mag-front. Pero sa loob ng dalawang taon na ginagawa ko ito, nagiging expert na ako sa pagsasabuhay ng kasinungalingang ito sa harap ng mga tao at sa harap ng sarili ko.



--------------------------------------------------------------------------------------------



“If we hold on together… I know our dreams will never die… Dreams see us through to forever… As high as souls can fly… The clouds roll by… For you and I…”



Palakpakan ang mga tao.

Nasa dining hall ako ng mansyon ng mga Alejandro.

Kasama ko ang children’s choir ko. Pinakanta ko sila sa welcome lunch para kay Gov Alejandro galing sa ospital.

Naiyak siya habang nakikinig sa kanta ng mga bata.

Nangiti ako. Malamang alam niyang espesyial para sa akin ang kantang iyon.



“Jeremy, buti na lang hindi ka nagpadala sa pang-aasar ko sa’yo noong mga bata pa tayo,” ani Kuya habang nanananghalian kaming pamilya at mga kaibigan ni Gov, “inipit ko pa kamay mo sa piano. Good at nagpursige ka sa musika.”

“Kuya naman, huwag nang ipaalala kung gaano tayo kasutil nung bata pa tayo,” biro ko.

“Bakit nga ba hindi music ang pinursue mo na career?” tanong ni Ate.

“May banda na ‘yan dati, kinuha ko lang dito sa Ilocos,” sagot ni Gov, “mukha namang tama lang ‘yong naging desisyon ko, kasi look at us now. Magkakasama na tayo.”

Nangiti lang ako. Ayoko nang sumagot. Baka magka-family drama na naman.

“Wala ka pa bang asawa?” tanong ni Kuya.

Umiling ako, “bente kuwatro pa lang ako.”

“Girlfriend?” tanong ni Ate, “for sure meron ‘yan. Sa pogi mong ‘yan.”

“Oo nga anak? Wala ka bang napupusuan?” hirit ni Gov.

Bumuntong-hininga ako, “nasa Maynila, eh.”

“Pakilala mo naman,” excited na sabi ni Ate.

Hindi ako nakapag salita. Tumango na lang ako.



Lintik. Mas mahirap pala magsinungaling sa pamilya.



--------------------------------------------------------------------------------------------



“Pare, ang ganda na ng built mo,” sabi ng isang lalaki sa gym na lumapit sa akin habang nagba-biceps curl ako.

Sa gulat ko, ang nasabi ko na lang ay, “salamt tsong. Parang hindi naman bagay na pinupuri mo ako. Ikaw nga diyan ang bato bato ang katawan.”

“Ah eto? Naku. Nakahiligan ko kasing sumali sa body building competitions,” salaysay niya, “gusto mo pala manood? Meron ako bukas ng gabi. Tapos inuman tayo. Celso nga pala.”

“Jeremy.”

“So, ano? Punta ka bukas?”

Hindi iyon ang unang beses na may kumausap sa akin sa gym. Alam ko naman kung ano talaga ang pakay nila. Pero hindi ko sisirain ang two-year track record kong, “Celibacy if not Rodney.”

Nginitian ko siya, “naku tsong. Wala ako hilig diyan. Good luck na lang bukas.”

Ngumiti din siya, “ah okay. Basta kung kailangan mo ng mag-i-ispot sayo, andito lang ako.”

Tumango lang ako.



--------------------------------------------------------------------------------------------



“Heto na order mo, frapuchino.” Tapos bigay sa akin ng tindera.
“Salamat po.”

“Tapos bibili ka sa labas ng spaghetti, carbonara, turon at hotdog diyan sa labas?” turan niya.

Kumunot ang noo ko, “paano niyo po nalaman?”

“Basta may isang araw sa isang buwan na lagi kitang napapansin na parepareho lang ang binibili mo,” paliwanag niya, “nakukuwento din sa akin ng mga tindera diyan sa labas.”

Aba. Pati pala ibang tao napapansin ang monthly ritual ko.

“Alam mo psychology major ako at ang basa ko sa’yo, ikaw ‘yung tipo ng tao na mahilig sa habits at routines,” dagdag niya, “parang keen ka sa mga detalye.”

“Naku opo, may nakapagsabi na rin sa akin niyan,” nakangiti kong tugon, “sige po, salamat.”

Tapos lumabas na ako sa store.



Minsan talaga, may mga araw walang gagawin ang tadhana kundi ipaalala sa akin si Rodney.

Naku naman.



--------------------------------------------------------------------------------------------



Malakas ang hingal ko pagkatapos ang Third Saturday Ritual ko.

Tulad ng mga nakaraang buwan, natapos ito na mabilis ang tibok ng puso ko, pawisan na naman ako, tense lahat ng muscle ko at malagkit ang torso ko.

Bumuntong hininga ako, bumangon at tumungo sa banyo para maglinis.

Muli kong sinuot ang brief ko. Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin.

“Sayang talaga ang kapogian mo, Jayjay,” natatawa kong sabi ko sa sarili ko.



Tumungo ako sa radio nagpatugtog ng FM.

Tapos bumalik ako sa kama, nahiga at pinikit ko na ang mata ko.

Iniiwan ko kasing bukas iyon buong pagtulog ko para mahimbing.

Parang nananadya ang pagkasunod-sunod ng mga kanta sa stasyong napili ko.



On my own… Pretending he’s beside me… All alone, I walk with him ‘til morning…



I miss you like crazy… Even more than words can say… I miss you like crazy… Every minute of every day… Girl I’m so down… When your love’s not around… I miss you… Miss you, miss you… I miss you like crazy…



When you left I lost a part of me… It’s been so hard to believe… Come back baby please ‘cause, we belong together…



Maybe my love will come back someday… Only heaven knows… Maybe our hearts will find their way… Only heaven knows… And all I can do… Is hope and pray… ‘Cause heaven knows…



Bakit ang sabi mo, binata ka… Walang sabit at… Malaya pa… ‘Yon pala’y may… Pananagutan na… Bakit ang sabi mo, binata ka…?



When I dream about you… That’s when everything’s alright… You’re in my arms, here next to me… Forever…



Nainis ako.

Habang nakahiga ay inabot ko ang radyo sa may bedside table.

Nilipat ko ang istasyon mula sa jologs patungo sa mas sosyal na stasyon.



How could you leave your heart in the morning… And I’ll go back to bed, and I won’t… Open my eyes… I won’t open my eyes… I won’t open my eyes… Open my eyes… I wont open my eyes… I won’t open my eyes…



Napabangon ako.

Holy shit.
0

THE LIGHTNING TRAIN COMMUTERS BAND (CHAPTER 52)


By: Hallur


CHAPTER 52: ODE TO MY FAMILY (Cranberries)


“Sir Jeremy, si Governor Alejandro, kakalabas lang mula sa OR ngayon. Tinanggalan ng gout,” balita sa akin ni Gela pagkapasok niya sa laboratoryo.

“Ah, okay,” walang anuman kong sagot. Tapos bumalik na ako sa pinprint kong results ng mga lab test para sa ER patients.

“Tatay mo ‘yun ‘di ba?” pagtataka niya.

Ngumiti ako, “oo.”

“Bakit parang ‘di ka affected?”

“Hindi kami close,” simple kong sagot.

“Post surgery daw sa presidential suite daw siya ico-confine, matatagalan daw siya do’n,” imporma niya, “dapat siguro bisitahin mo siya. Hindi ko alam ang issues niyo, pero ano na lang sabihin sa inyo ng mga hospital staff na nasa isang ospital lang kayo pero hindi kayo nagpansinan?”

Bumuntong hininga ako. Ang hirap talaga kapag may management position. Kailangan role model.



Oo, si Gov ang dahilan kung bakit ako napunta sa posisyon kong ito.

Pero ang huli naming paghaharap ay nang iendorso niya ako sa hospital admin.

Pagkatapos no’n, humanap ako ng matitirhan na malayo sa kanya.

Dalawang taon ako nabuhay na ako lang, at ang mga hospital employees, at ang choir lang ang tanging nakakasalamuha ko.

Pumunta ako sa Ilocos para kumita at umiwas kay Rodney. Wala nang ibang dahilan.



--------------------------------------------------------------------------------------------



Pagkatapos ng duty ko, napagpasyahan kong tumungo sa presidential suite.

Sa harap ng pintuan ay may dalawang security personnel na nagbabantay.

Madali akong nakapasok, hindi dahil anak ako ni Governor, malay ba nila. Low profile ako. Madali akong nakapasok dahil trabahante ako ng ospital.

Pagkapasok ko nakita ko si Gov Alejandro. Nakahiga sa magarang kama. May suwerong nakakabit. May mga gasa sa daliri ng paa at kamay. Doon marahil siya inoperahan.

May private nurse na kinakalikot ang linya ng swero.

Hindi nagtagal ay napansin ako ni Gov, “Jeremy… Anak…”

Kinilabutan ako sa narinig ko.

Narinig iyon ng nurse at humarap sa akin, “Sir Jeremy.”

Ngumiti ako sa nurse, “puwedeng patanong ng standing orders niya?”

Tumango ang nurse at lumabas.



Tinitigan ko ang mukha niyang nahihirapan.

Tinitigan ko ang mga kamay na sumasapak at paa na sumisipa kay Mama dati.

Unti-unti nang kinukuha ng tadhana ang lakas na ginamit niya para maging miserable ang buhay ko.

Ang tingin niya sa akin ay tila nagmamakaawa.



“Bumisita lang ako sandali para wala nang sabihin ang mga tao, okey?” matabang na sabi ko, “kung ano man ang nangyari sa’yo, karma mo ‘yan.”

“Anak…” mahina niyang sambit.

“Sige, gov, lalabas na ako, doon ko na lang kausapin ‘yung nurses at doctors sa course of action para sa’yo.” Tumalikod na ako.

“Anak… Masakit…” ungol niya.

Parang may tumusok sa puso ko nang marinig ko siyang nagmamakaawa.

Umikot ako at bumalik sa kanya.

Ginamit ko ang mga ekstrang unan at ipinatong doon ang mga bagong operang kamay at paa ni Gov.

Inayos ko ang fit ng oxygen face mask niya.

Tapos umalis na ako.



--------------------------------------------------------------------------------------------



Nakaupo ako sa bedside ni Gov. Kaming dalawa lang sa presidential suite.

Tahimik lang akong nakatungo. Anim na oras na ako doon. Hinihintay kong mag-utos siya ng ipapagawa sa akin. Susubuan siya ng pagkain. Papainumin ng gamot. Aayusin ang contraptions.

Anim na oras na katahimikan. Ilang na katahimikan.

Hindi ko alam kung bakit, pero sa nagdaang ng apat na araw na naka-confine si Gov sa suite ay tila hinahatak ako ng mga paa ko na puntahan siya pagkatapos ng duty ko at manatili doon ng hindi bababa sa apat na oras para tulungan siya sa mga pangangailangan niya.

Ngunit hindi kalian man kami nag usap na tumagal ng sampung minuto.

Alam namin ang mga bagay na dapat iwasan, ang mga bagay na hindi na dapat balikan pa.

Pero ano pa ba ang ginagawa ko dito?



Bigla siyang nagsalita, gamit ang isang mahinang boses.

“Anak… Jeremy, anak… Patawad… Patawad na…”

Napalunok ako. Pinikit ko ang mga mata ko.

“Anak… I’m so sorry… Patawad sa lahat…”

Humikbi ako. Malakas dahil sinubukan ko pa itong pigilan.

“Tama ka, Jeremy… Unti nang nilamon ng kasamaan ko ang katawan ko… Patawarin mo sana ako sa mga naging kasalanan ko… Sa’yo at sa Mama mo…”

Tumulo ang luha ko.

“Jeremy, sana mapatawad mo ako, Jeremy… Jeremy… Sorry…”

Sumigaw ako. Humiyaw na parang isang leon.

Nilabas ko ang lahat ng sakit.

Humagulgol ako.

Umiyak ako parang isang bata.

“Anak kita, Jeremy… Sorry kung pinagkait ko sa’yo ang pagiging isang ama…”

Isang oras akong humahagulgol.

Para akong tanga.



Pero alam ko. Okay na. Okay na ako.



--------------------------------------------------------------------------------------------



“Oh Gov, kain ka na, paano na lang ang Ilocos Sur kapag wala ka,” natatawang sabi ko habang sinusubuan siya ng kanin at ulam, “baka agawin na nung Vice Gov ‘yung posisyon mo.”

Sumubo siya at lumulon. “Salamat sa pag-aalaga mo, anak.”

Ngumiti lang ako.

Walang salita ang madamdamin kong pagpapatawad sa kanya kahapon. Pinatawad ko na rin ang tadhana.

Kinakausap ko na siya ngayon ng may sense.

Pero hindi pa siguro kaya ng isang araw lang para maging-showy kami bilang mag-ama.



Napalingon kami nang marinig naming bumukas ang pintuan.

Sina Kuya at Ate. Tumungo sila sa tabi ni Gov sa kabilang side ng kama niya.

“Papa, sorry ngayon lang kami nakabalik from the states,” ani Kuya, “kumusta ka na?”

“I’m going to be okay. Babalik na ako sa office next week,” sagot ni Gov.

“We brought you supplements from the states para ma-prevent ang future attacks ng gout mo,” sabi ni Ate, tapos tumingin siya sa akin, “you are?”

Nagulat ako. Sabagay matagal na nila akong hindi nakikita. Baka nga hindi na nila ako makikilala.

Tumayo ako at pinatong sa bedside table ang mangkok na hawak ko, “I’m the Head of the Medtech Department.”

“Wow. Salamat sa pag-alaga kay Papa, Sir. We’re going to need some privacy now,” dugtong ni Ate.

Nailang ako sa sitwasyon.

Tumalikod ako at naglakad na palabas.



“At saan ka pupunta?” boses ni Gov.

Napalingon ako. Nagtataka.

Mukhang nagtataka rin ang dalawa kong kapatid sa ama.

“Hindi niyo ba naaalala si Jeremy?” tanong ni Gov sa mga anak niya.

Nanlaki ang mga mata ni Kuya, “holy… Jeremy? Ikaw na ‘yan?”

“Ang laki mo na!” nakangiting bulalas ni Ate.

Marahan akong tumango.



Naglakad papunta sa akin si Kuya. Tapos niyakap ako.

“Salamat sa pag-aalaga kay Papa.”

Napabuntong-hininga ako.

“Walang anuman, Kuya… Ate…”



Ako okay na ako.

Kami, bilang isang pamilya, marami pang aayusin.

Hindi na siguro kailangang umupo ng sama sama para mag-ungkatan ng mga sakit at kasalanan.

May mga sugat na kapag pinag-usapan ay lalong lalalim at hindi na maghihilom.

Puwede naman na mamatay na lang ang Jeremy na puno ng poot. Tapos, mag resurrect ulit, blanko tulad ng isang Tabula Rasa.



Ang muling pagkabuhay ng ikatlong anak ni Governor Alejandro.
0

THE LIGHTNING TRAIN COMMUTERS BAND (CHAPTER 51)


By: Hallur


CHAPTER 51: TWO YEARS AFTER (Lightning Train Commuters)


“Alam niyo ba? Dalawang taon na. Ngayong araw na ‘to…

Ang saya ‘no? Tayo’ng magkakasama pagpatak ng alas dose ng araw na ‘to…

Trahedya… Trahedya…

At nantakin niyong buhay pa ‘ko? Wow…

Ang hirap pala mag-exist…

Sana ang damdamin katulad niyong madali lang naifa-flush sa banyo. Hahaha.”




“Sir Jeremy? Okay ka lang?”

Napaulpit ako saglit at tumunog ang mga nagbanggang bote ng fecal specimen.

“Ma’am Gela.”

“Sabi kasi ng mga junior medtech, kinakausap mo daw ‘yung mga fecal bottles dito sa lab, kaya pinuntahan kita,” sabi ng babaeng senior medtech ko.

“Yeah, sabihin mo sa kanila ‘wag akong pansinin, at isipin ang tamag pag-extract na ng dugo para sa mga pasyenteng may round the clock platelet exam,” inis kong sabi, “lagi na lang nilang napuputok ang ugat ng pasyente nila.”

“Okay, kumain ka na ba?” tanong ni Gela, “bili ako sa burger machine diyan sa labas. Sabay kita.”

“Hindi ako gutom…” Tapos ngumiti ako, “but thanks, Gela.”

“No problem, siyempre ikaw ang head ng Medical Technology Department, hindi ka puwede magutom.” Sabi niya. Sulyap ng konti tapos lumabas na opisina ko.

Bumuntong hininga ako, “kakaibang araw ‘to.”



--------------------------------------------------------------------------------------------



“Salamat sa pag-assist mo sa akin kanina sa blood extraction, Sir Jeremy,” anang isang junior medtech na sinamahan kong mag blood extraction para i-coach habang pabalik na kaming medtech lab galing ward.

“Walang problema,” nakangiti kong tugon.

“Napakabait mo talaga, favorite ka namin, kahit ang bata mo pa sir, ikaw ang tatay namin dito,” dagdag niya.

“Walang kaso ‘yon.”

Natutuwa ako sa sarili ko. Naa-apreciate na ako ng mga ka-trabaho ko.

Iyon nga lang parang may kulang pa.



--------------------------------------------------------------------------------------------



Alas siyete ng umaga. Oras na ng uwi ko.

“Sir Jeremy, birthday ni Ma’am Gela, kain daw tayo sa kanila mamaya,” anang isang junior medtech bago ako lumabas ng opisina.

Napatingin ako kay Gela na nasa tabi ng junior medtech na nagsalita. Nakangiti siya at tila umaasang umoo ako.

Napakamot ako sa ulo, “naku pasensya na, kasi pupunta pa ako sa simbahan. Service day ko ngayon.”

“Gabi pa naman ‘yon sir, bago tayo mag-report for duty mamaya,” ani Gela.

“Naku, ngayong gabi kasi magiging busy ako sa bahay, may aayusin lang ako,” alibi ko, “ngayon lang naman ako magpa-pass. Lagi naman akong sumasama sa gimik.”

Nagbago ang ngiti ni Gela. Sa likod nito ay tila marahang pagkayamot, “oo nga pala. Ikatlong sabado ng buwan ngayon.”

“Ay oo nga Sir, tuwing third Saturday of the month may alone time ka 'di ba?"

“Yeah. Third Saturday of August,” sambit ko, “dalhan mo na lang ako sa lunes ng take-out, off ko ngayong Sunday. Please, Gela?”

Tumango siya, “oo naman, Sir Jeremy.”

“Sige mauna na ako sa inyo, uwi na rin kayo, kanina pa tapos ang endorsement,” sabi ko bago umalis.

Tapos nagsalita na sila ng Ilocano.

Ang pagkakaintindi ko… “Okay lang ‘yan Ma’am Gela. May next time pa naman.”



--------------------------------------------------------------------------------------------



“Good afternoon, Kuya Jeremy!” chorus ng mga bata.

Nasa choir loft ako ng simbahan ng bayan para magturo ng isang choir na comprised ng labinlimang batang dati ay mga rugby boys and girls.

After ng isang taon ko sa Ilocos Sur, nakita ko ang mga batang ito napalaboy-laboy at nagkakantahan habang humihithit.

Nakipag-coordinate ako sa social worker para ma-domesticate sila, tapos para malibang ako, ginawa ko silang choir. At mukhang nagustuhan naman nila ang past time na pagkanta na pinalit nila sa pagra-rugby.

“Good afternoon, may bago tayong piyesa.”



Sa mga batang ito ko nalalabas ang frustration ko sa naudlot career sa musika na iniwan ko.

Ilang buwan na lang, isasabak ko na sila sa mga performances at contests.

Pagkatapos ng sectionals kasama ng organo at mga ensayo, kinanta na nila ang kantang ako pa mismo ang nag-areglo.



Ikaw lamang ang pangakong mahalin… Sa sumpang sa'yo magpakailan pa man… Yakapin mon'g bawat sandali… Ang buhay kong sumpang sa'yo lamang alay… At mapapawi ang takot sa 'kin… Pangakong walang hanggan…



“Oh, mga bata, malapit ko na kayo isalang, handa na ba kayo?” tanong ko sa kanila pagkatapos ng practice.

“Opo,” chorus nilang lahat.

“Salamat po, Kuya Jeremy…” anang isang batang babae.

“Group hug!” sigaw ng isang batang lalaki.

Tapos sabaysabay silang nagkumpulan para yakapin ako.

Bumuntong hininga ako. Kahit tuwang-tuwa ako sa ginagawa kong kawanggawa, hindi pa rin mapupunan ng labinglimang pusong ito ang puwang na nasa puso ko.

Pero masaya na rin ako sa misyong ito na pinili ko.



--------------------------------------------------------------------------------------------



Kinagabihan.

Pumasok ako sa tirahan ko. Pininid ko ang pinto.

Nakatira na ako ngayon, mag isa sa isang studio type na apartment unit.

Tinitigan ko ang kalendaryo sa may pinto.

Ikatlong Sabado ng Agosto.

Espesyal na araw ang ikatlong sabado ng bawat buwan para sa akin. Ika nga, alone time ko ito. Para akong sumasakay ng time machine. Back to the future.

Nilatag ko na ang mga binili kong mga pagkain sa hapag ng aking dining table.

Carbonara, spaghetti, turon, hotdog, frapuccino… este papuchino pala.

Umupo ako at kumain ng carbonara. Tapos spaghetti. Sinigurado kong may matitirang red sauce sa gilid ng aking labi. Hindi ko iyon pinunasan.

Lumanghap ako ng hangin at naamoy ko muli ang Tagaytay.

Tapos sinubo ko ang turon. Nalasahan ko ang aking mga daliri. Hindi iyon lasa ng balat ko.

Humigop ako ng papuchino.

Grabe. Napakahirap mag-exist ng ganito.



Tumayo ako.

Hinubad ko ang scrub suit ko.

Naka-briefs na lang ako. ‘Yung itim na briefs na sinusuot ko lang pag ikatlong Sabado ng buwan.

Kinuha ko ang hotdog na nakatuhog sa stick.

Naglakad ako patungo sa salamin. Full body length mirror.

Tinitigan ko ang katawan kong hinulma ko sa gym habang nasa Ilocos ako sa loob ng dalawang taon.

Para lang tuwing haharap ako ng salamin sa katawang ito ay magpaalala sa akin ng isang tao.

Si Rodney.



Tinitigan ko ang sarili kong mga mata habang sinubo ko ang ulo ng hotdog. Inaakit ko ang sarili ko. Katulad noong ginawa sa akin ‘to ni Rodney. Nalasap ko ang sauce ng spaghetti sa labi ko.

Naramdaman kong naninikip ang brief ko habang tinititigan ko rin ang dibdib, braso at abs na pinaghihirapan ko sa gym halos araw-araw pagkatapos ng duty.

Iniisip ko na ang lahat ng ito ay si Rodney.

Inubos ko ang hotdog.



Humiga ako sa kama ko.

Tinanggal ko na ang underwear ko.

Pumikit ako at pinalakbay ang mga kamay ko sa katawan ko.

Inisip kong mga kamay iyon ni Rodney.

Sinimulan kong i-pleasure ang aking sarili.

Umungol ako, “Chino ko…”



Busy ang isang kamay ko sa penile tissue.

Ang isa pa sa anal orifice.

Bukang bibig ko lang ang pangalan ni Rodney.



“I LOVE YOU!” bulalas ko ng matapos ako.

Natulog akong mabigat ang dibdib.

Napakahirap mag-exist ng ganito.

Sana pinatay mo na lang ako, Rodney.



Happy second anniversary, dear heartache.
8

THE LIGHTNING TRAIN COMMUTERS BAND (CHAPTER 50)


By: Hallur


CHAPTER 50: RODNEY’S SWEET PSYCHOSIS IN C MAJOR (Jeremy John Alejandro, RMT, Amateur Pianist)


“Pasensya na talaga Sonny kung kailangan kong gawin ko ‘to,” sabi ko kay Sonny.

Miyerkules. Band practice.

Ang huling ensayo na kasama ako ng banda.

Sinabi ko na sa kanila ang tuluyan kong pagbitaw bilang tiklador ng Lightning Train Commuters.

Kaming dalawa ni Sonny ang nauna sa garage band studio.

“Alin? Ang pagpunta mo sa Ilocos para maging Senior Medtech sa ospital ng tatay mo?” matabang na sambit ni Sonny, “hindi katanggap-tanggap na rason ‘yon.”

Napalunok ako, “kasama kasi do’n ang opportunity na makapunta ako sa Dubai. Alam mo naman ang kita sa ibang bansa. Wala naman na rin kasi akong pamilyang matino na iiwan dito.”

“Wala nga. Pero banda, meron kang iiwan,” sarkastiko niyang banggit.

Napatungo ako, “pasensya ka na. Mabilisang desisyon kasi ang kailangan, kung hindi mami-miss ko ang opportunity.”



“Kung sasabihin mo sa akin ang totoong dahilan mas maiintindihan pa kita,” mariin niyang sabi.

“Ano’ng ibig mong sabihin?” pagtataka ko.

“Si Rodney… Siya ba ang dahilan?” tila ingat niyang tanong.

Napamuglat ako. Hindi ako nakapagsalita.

Ngumisi siya. “Tingnan mo ‘yang sarili mo, ang laki ng pinagbago mo simula ng nakilala mo siya. Ramdam kong higit pa sa kaibigan ang tinginan niyong dalawa.”

“Paanong...?”

“Huwag kang mag-alala. Sikreto natin ‘to. Tulad ng sabi ko sa’yo. Magkaibigan tayo, kaya madali kitang nababasa. Isa pa, tropa tayo pero kahit kalian, hindi mo ako tiningnan katulad ng paraan na tingnan mo si Rodney. May lalim. Kaya alam kong, may kakaiba.”

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung mahihiya ako o ano.

“Dahil ba sa pagkabuntis ni Apple kaya ka aalis?” tanong niya.

Bumuntong hininga ako, “hindi ako gano’n ka-masokista. Mahirap makasama araw-araw sa banda ang isang taong mahal mo pero hindi mo kailanman makukuha.”

“Ikakasal na daw sila ni Apple,” imporma niya.

Hindi ako sumagot. Pero ramdam kong uminit ang mukha ko.

Parang nahulog ang puso ko sa lupa.

Ngumisi si Sonny, “puta. Tingnan mo nga ‘yang hitsura mo. Halatang-halatang apektado ka sa narinig mo. Shit. May tama ka nga talaga sa mokong na ‘yon.”

“Kaya nga, kaya nga hindi ko na kayang magpatuloy,” eksplika ko, “ayokong unti-unting patayin ang sarili ko sa depresyon. At least doon sa pupuntahan ko, gaganda ang buhay ko. Baka sakaling makalimutan ko na ang lahat na ‘to. Makakapagsimula na ako ng bagong buhay.”



Bumuntong-hininga si Sonny, “pero patawarin mo ako, Jayjay. Hindi ka na mahihintay ng mga pangarap ng Lightning Train. Kailangan magpatuloy ang tren kahit wala ka.”

“Alam ko ‘yon. Alam mo rin naman na musika ang buhay ko, pero gano’n talaga,” malungkot kong paliwanag, “nagawa ko na rin naman ang part ko.”

“Oo naman. Kahit hindi na ikaw ang tiklador ng banda, mga kanta mo pa rin ang kakantahin namin,” nakangiting sambit niya, “ikaw pa rin ang resident composer namin, kahit ang emo mo lagi.”

Tumawa ako, “oo nga. Bakit ba kasi hindi ka na lang kumuha ng ibang pianista? Madami naman diyang mas magaling kaysa sa’kin.”

“Totoo, hindi ikaw ang pinakamagaling na keyboardist sa mundo. At ang dami mo pang issue at kadramahan sa buhay mo na nahihirapan akong sakyan,” paliwanag niya, “pero ikaw lang ang taong nakita ko ang sobrang passion kapag nasa harap na ng tiklado. ‘Yan ang hindi ko maipagpapalit.”

“Salamat.”



Nagulat kami pareho nang sumulpot ang bulto ni Rodney na kakapasok lang sa studio.

“Sonny, Jayjay,” mahina niyang sambit.

Napatitig ako sa kanya. Ito ang sumunod naming pagkikita pagkatapos ng aming paghihiwalay sa Tagaytay. Napupunit ang puso ko tuwing nakikita ko ang mukha niyang malungkot.

Tahimik kaming nakatayong magkaharapan sa isa’t-isa.

Si Sonny nasa gitna, salit na tumitingin sa aming dalawa. Nagtataka. Tapos nagsalita na panira, “putangina may something nga sa inyong dalawa.”

Pareho kaming napatungo sa sinabi nito.

Pati si Sonny, mukhang nagulat sa sarili niyang tinuran.

Awkward silence.



“Ensayo na!” boses ni Marko.

“Bakit mo kami iiwan, Jayjay?!” bulyaw ni Wendell.

Kumpleto na kami. Sa huling pagkakataon.



--------------------------------------------------------------------------------------------



Nakatitig sa akin si Rodney habang inaawit ang kantang sinisipra namin. If I Am. Nine Days.



If I am…
Another waste of everything you dreamed of…
I will let you down…
If I am…
Only here to watch you as you suffer…
I will let you down…




--------------------------------------------------------------------------------------------



Nagpaiwan kaming dalawa ni Rodney sa garage band studio nang matapos na ang ensayo.

Nakatayo ako sa likod ng keyboard. Nakatayo siya sa harap ng keyboard. Hawak niya ang pulang kahon at ilang mga burned CD’s.

Sa bulsa ko ay isang sobre na binigay niya.

Nagtititigan lang kami, mga mata’y nangungusap.

“Jayjay, inaya ko na magpakasal si Apple,” banggit ni Rodney.

Sa likod ng sakit dahil sa narinig ko, tumango pa rin ako, “tama ‘yan.”

“Pero isang salita mo lang Jay, isang salita mo lang, alam mong pipiliin kita,” mangiyak niyang sabi.

“Huwag na nating guluhin ang utak natin,” mariing tugon ko.

“Bakit kailangan mo pang umalis sa banda?” tanong niya.

“Dahil mahal kita. Mahal na mahal kita. At ayokong mamatay sa bawat segundong magkasama tayo,” malungkot kong sambit.

Hindi ko na napigilang umiyak.

Pati siya napahagulgol na rin.



“Ingatan mo ‘yang mga kanta ko,” sabi ko.

“Huwag mong bubuksan ‘yang sobreng ‘yan hangga’t di ko sinasabi,” aniya.

“Okey… Ito na siguro huli nating pagkikita, Rodney.” Lumakas ang hikbi ko. “Sa’yo ko na rin pala iwan ang organ ko."

“Jay, tayo na lang kasi, tayo na lang,” pangungulit niya.



“Shut up. Makinig ka. Ang dami ko pang gustong sabihin sa’yo…” mariin kong turan, "pero pagod na akong magsalita..."

Hindi na muna siya sumagot.

Hinawakan ko ang mga tiklado ng piano at nagsalita.

“Rodney’s Sweet Psychosis in C Major.”



Click here to play the piano piece.



Ang lahat ng gusto kong sabihin kay Rodney na hindi ko masabi noon pa man, ay nilapat ko sa musika. Naniniwala akong, music is the best way to convey a message when it is too loud to speak and too unnecessary to keep silent.

Nakatitig ako sa mga mata niya, habang pinipindot ang mga keys ng organ.

Hindi ako naniniwala sa transcendence at telepathy. Pero parang may mahikang nilikha ang tunog ng piano na nagawa naming i-access ang utak ng bawat isa.

O baka naman nahihibang lang talaga ako kaya kung ano-ano ang narinig ko sa utak ko.



Rodney… I love you…

Jay… Mahal na mahal din kita.

Pasensya na, huh. Kasalanan ko kung bakit tayo umabot sa ganito…

Ako din naman may kasalanan…

Hinding hindi kita malilimutan…

Oo naman. Hindi rin kita malilimutan…

Rodney, ang guwapo mo talaga…

Ikaw din… Hindi ko malilimutan ang mukha mo…

Ako rin…

Sana hindi na matapos ‘to…

Oo, pero kailangan…

Sabihin mo lang, Jay… Iiwan ko ang lahat para sa’yo…

Huwag mo akong pipilitin, alam mong bibigay ako…

Ayaw mo na ba akong kasama…?

Gago, alam mong hindi totoo ‘yan… Pero may mga bagay kang kailangan ayusin…

Puwede bang tayo na lang ang ayusin ko…?

Rodney, inayos mo na ang buhay at pagkatao ko… Wala na akong hihingin pang iba…

Ipangako mo, Jayjay… Wala nang lalaki pagkatapos ko, huh…? Sapat nang ako ang gumulo sa buhay mo…

Pangako… Mapababae, mapalalaki, wala na akong mamahalin tulad ng pagmamahal ko sa’yo…

Salamat Jayjay…

Mahalin mo ang anak mo…

Oo naman… Gusto ko dumating ang panahong maipagmamalaki ko siya sa’yo…

Mahalin mo si Apple…

Oo… Susubukan ko…

Pero gusto ko ako pa rin ang higit mong mahal… Alam kong selfish, pero gano’n gusto ko…

Hindi mo na kailangang iutos ‘yan… Tulad mo, ikaw ang greatest love ko…

Huwag ka nang manlalaki…

After our sex…? No one could ever top what we did…

Hehe… Sinabi mo…

Jayjay… Ang ganda nitong piano piece mo… Pero ang sakit… Ang sakit sakit…

Parusa natin ‘yan dahil sa bawal na pag-ibig na pinagsaluhan natin…

Nasa labi ko pa ang laway mo…

Nasa balat ko pa ang pawis mo…

Nalalasahan ko pa ang katas na nilasap natin…

Naaalala ko ang sarap at sakit ng pagniniig natin…

Ikaw pa rin ang Papu ko…

Ikaw pa rin ang Chino ko…

Ayusin mo ang buhay mo, Jayjay… Don’t do anything drastic…

Pangako… Mag-e-exist ako…

Salamat…

Mahal na mahal na mahal kita, Rodney…

I love you too… So much…

Paalam na, Rodney…

Hanggang sa muli, Jayjay…
2

THE LIGHTNING TRAIN COMMUTERS BAND (CHAPTER 49)


By: Hallur


CHAPTER 49: PAGLISAN (Color It Red)


>>> PULSE RATE: 89 beats per minute

Gumising ako. Alas tres ng umaga.

Sa hotel na room na iyon.

Bumangon ako, nasa tabi ko si Rodney. Mahimbing na natutulog.

Puno pa rin ang hapdi ang aking puso.

May mga sakit na hindi madaling tanggapin.

May mga sakit na pinapaalalang buhay ka.

May mga sakit na uudyukin kang mamatay. Ito ang sakit na iyon.

Hindi ko kakayanin ang buhay ko nawala si Rodney. Balewala ang buhay na haharapin ko.



May vase sa bed side table.

Tinanggal ko ang mga bulaklak. Inamoy ko. Mabango.

Pinutol ko ang mga tangkay. Tapos hinagis ko sa sahig.

Tangina niyo. Sabay sabay tayong mamamatay.

Hinawakan ko ang leeg ng plorera.

Binasag ko.

Kumuha ako ng isang matulis na piraso.



>>> PULSE RATE: 101 beats per minute

Gumawa ako ng malalim na hiwa sa aking wrist.

Sinigurado kong wala akong kawala ngayon.

Umagos ang dugo mula sa sugat na ginawa ko.



>>> PULSE RATE: 128 beats per minute

“Jayjay…?! Ano ‘yang ginagawa mo?”

Napalingon ako.

Nakabangon na si Rodney. Nakapamuglat habang tinitingnan ang aking mga braso, at ang mantsang nagawa nito sa puting sheets ng aming kama.

“Inducing death via hypovolemic shock,” seryoso kong sagot, “self mutilation. Suicide.”

Hinatak niya ang braso ko, “tangina mo, Jay! Amina ‘yang kamay mo! Tatalian ko ng tela! Dadalhin kita sa ospital!”

“Hayaan mo na ko Rodney. Wala na akong buhay pa na haharapin bukas,” pagsuko ko, “kinuha na ang lahat ng mahalaga para sa akin. And by the time na madala mo ako sa ospital, baka patay na rin ako dahil sa daming dugo na mawawala habang transport time.”

“Jayjay!” halos hablutin niya ang buo kong kamay.

“Ayoko nga!”

“Jayjay! Itigil mo nga!”

“Ayoko nga!”



>>> PULSE RATE: 132 beats per minute

“Ah gano’n,” asar na anas ni Rodney, “gago ka ah, sige makikita mo.”

Kinuha niya ang basag na piraso ng plorera.

Agaran niyang ginawan ng hiwa ang wrist niya. Kaliwa. Tapos kanan.

“Putang-ina! Ano’ng ginagawa mo?!” gulat kong bulalas.

Nagkalat na ang matsa ng dugo sa kama.

Lumuluhang sinigawan niya ako, “gago ka ba?! Tingin mo bang kakayanin kong makita kang mamatay! Kung pupunta ka na rin lang sa impiyerno, isama mo na ‘ko!”

Naiyak na rin ako, “paano ‘yung anak mo?”

“I told you Jay, just exist. Hindi ka tumutupad sa usapan,” mariin niyang tugon, “kakayanin kong mabuhay sa pagpapanggap basta alam kong you exist somewhere in the world. Pero ano ‘to? Iiwan mo na ako? Tangina mo! Sasama ako sa’yo…”

Bumuntong-hininga ako, “sorry Rodney. Sorry sa katangahang ginawa ko.

“Wala tayong magagawa. Andito na tayo.”



>>> PULSE RATE: 152 beats per minute, weak and tready

Kulay pula.

Aming mga braso, kamay, dibdib, likod, tiyan, ari. Lahat.

“Paunahang mamatay?” nakangising tanong ni Rodney.

“Kung sino ang mahuhuli, talo, dahil siya ang makakakita ng pagkamatay nung isa,” sabi ko.

Tumawa siya, “tama. Puwes ikaw na mauna. Para hindi mo maramdaman ang sakit.”

“Sige, ilang minuto na lang naman itatagal ko.”



>>> PULSE RATE: 145 beats per minute, weak and tready

Isang masidhing halikan. Isang mahabang halik. Isang huling halik.

Parang lagpas na lipstick na nagawa ng aming dugo.

Panghihina ng katawan. Panlalabo ng mata.

Unti-unting paglamlam ng malay. At ng katinuan.

“Tulog na tayo ulit?” aya ko.

“Sige.”



>>> PULSE RATE: 70 beats per minute

Nahiga kami. Magkaharap.

Nagngigngitian kami.

“Paakap,” pakiusap ko.

Inakap niya ako. Mahigpit. Ngunit medyo madulas dahil sa dugo.

“I love you, Papu.”

“I love you, Chino ko.”

“Bye… See you soon.”

“See you… Sleep na.”

Kadiliman.



>>> PULSE RATE: 13 beats per minute… Decreasing…

>>> ECG TRACING: Asystole (Flat Line)



--------------------------------------------------------------------------------------------



Nagising ako, agad na bumangon.

Tumingin ako sa orasan. Quarter to four.

Napatingin ako sa braso ko. Walang sugat. Walang dugo.

Nasa tabi ko si Rodney. Mahimbing ang tulog.

Nakita ko ang plorera, buo pa. Ang mga bulaklak, buhay pa.



Hindi ko gagawin ang napanaginipan ko.

Pinaghirapan ni Rodney na ibalik ang katinuan ko, hindi ako gagawa ng isang kabaliwan tulad ng pagsu-suicide ulit.

Bukas, magsisimula akong mabuhay ng wala na siya.

Mabubuhay ako. Kahit masakit.



Tahimik akong tumayo mula sa kama.

Nagbihis.

Nagtungo sa pinto.

Tumigil bago lumabas. Umikot.

Tumitig ng sandali sa tulog kong ex-boyfriend pagpatak ng alas kuwatro.

Mahinang inawit ang bridge ng, “Gaze at Your Eyes,” na hindi ko inawit kagabi.



One step behind, I fall everytime…
Until you get past outside my door…
And if soon I will be, a speck of your memory…
Tell me what else am I here for…?”

“But God knows I did my best…
And if I leave no I don’t love you less…
‘Cause in my sky, in my night, you’re the star…
I just chose to love you from afar…




At ako ay umalis na.



--------------------------------------------------------------------------------------------



Alas sais ng umaga.

Nasa bus ako, papalapit na ng Maynila.

May nag-text.

Si Rodney.



But the sun’s up now and I open my eyes… And I find you’re not here, and I’m wondering why… ‘Cause just when I thought I had it right last night… When you were here with me breathing… How could you leave your heart in the morning…



At ako’y humagulgol.
0

THE LIGHTNING TRAIN COMMUTERS BAND (CHAPTER 48)


By: Hallur


CHAPTER 48: BREAK ME (Jewel)


Hindi na mabilang kung ilang luha ang pumatak mula sa aming mga mata hanggang sa matapos ang kuwento ko. Ang dahilan ng lahat ng mga dahilan.

Tahimik lang si Rodney na nakikinig hanggang sa matapos ako.

Sa dulo ng kuwento, ako ang masmalakas ang hagulgol.



“Jayjay, I’m sorry… I’m sorry…” tila nagmamakaawang bulalas niya, “inaya niya ako makipag inuman nang naihatid ko na siya sa kanila. Dahil sa dramahan naming usapan, naparami ako ng inom, siya rin. May nangyari sa amin. Kaya din siguro hindi kami nakagamit ng protection.”

“Tapos na ‘yon, Rodney, nandiyan na ‘yan. Wala na tayong magagawa,” sabi ko sa gitna ng mga hikbi, “isa pa, kasalanan ko rin. Kung mas maaga kong inamin sa sarili kong gusto kita, eh ‘di sana nabakuran kita kay Apple.”

”Hindi ako madamot, pinalaki ako ng magulang ko ng matino, pananagutan ko ang bata,” seryosong banggit niya.

Tumango ako, “mabuti naman. ‘Yan ang tama mo talagang gawin.”

Umiling siya, “pero hindi ko pakakasalan si Apple.”

“Rodney?!” saway ko sa kanya.

“Unfair sa’kin dahil ipapatali mo ako sa babaeng hindi ko mahal. Unfair kay Apple kasi mabubuhay siya sa habang panahon kasama ang lalaking hindi naman siya mahal. Unfair sa’yo dahil alam mong pareho tayong nag-e-exist at nagmamahalan pero hindi tayo ang nagkatuluyan.”

“Pero unfair sa bata. Wala siyang kasalanan.”

“Mas unfair kung mabubuhay siya sa pamilyang hilaw.”

“Mas unfair kung mararamdaman niya ang hinagpis ng isang hati at magulong pamilya. Huwag kang selfish Rodney. Alam mong sa psychology, na ang pinaka-ideal para sa bata para matungtong niya ang maayos na psychological development ay ang isang generic na pamilya. Na merong nanay at tatay. Hindi nanay lang. Hindi tatay lang. Hindi tatay at isa pang tatay.”

Hindi siya sumagot. Marahil napagtantong tama ako.

“Gawin mo ang tama,” dugtong ko.

Tumango lang siya.



Napatingin ako sa orasan. Eleven PM.

“May limang oras pa tayo bago matapos ang bisa ng slave tag,” banggit ko.

Pinunasan niya ang luha niya, “break-up sex?”

“Break-up sex,” mariin kong sabi.

“Break-up sex times four?” nakangisi niyang sagot.

Tumawa ako, “gawa tayo ng alaalang gagamitin natin kapag nagsasariling sikap tayo habang buhay. Heto na ang karma ko. Ang parusa ko, sa pagiging pakipot.”

“Gago. Parusa rin sa’kin ‘to, ‘no,” tugon niya.

“May hindi pa tayo nagagawa,” sabi ko. May pilyong ngiti na sumilay sa aking mukha.

“Fucking?”

“Mismo.”



“Since nabinyagan kita, binyagan mo rin ako,” seryosong sambit ni Rodney, “ako laging top. Laging ‘yung giver. So, this time I want you to fuck me.”

“‘Yun pala ibig sabihin ng top. Wow, ang swerte ko naman, ako pa makakauna sa’yo,” nakangiti kong tugon.

“Gusto kong malaman kung ano ang binabalik-balikan sa’yo ng mga babae mo, Papu,” sabay kindat.

“Iba ka sa mga naging babae ko. Well, una sa lahat dahil hindi ka babae, pangalawa, mahal kita,” paliwanag ko, “ibibigay ko ang lahat ko sa’yo.”

“Yeah, and make sure it’s good,” natatawang sabi niya.

Hinalikan ko siya. “I will fuck you sa isang kondisyon.”

Nagsalubong kilay niya, “ano ‘yon?”

“Pagkatapos ko sa’yo, ako din. Tutal naman one time big time na ‘to. Sagarin na natin ang limits,” nang-aakit kong sambit, “fuck me too.”

Hinawakan niya ang mukha ko, “sige coach, gagawin ko ‘yan. Sisiguraduhin kong hindi ka makakahanap ng kasiping na katulad ko.”

“Sige parusahan mo ako sa kasalanan ko, Rodney.”



--------------------------------------------------------------------------------------------


Listen to the song for an added feel.


Muli naming binuhay ang aming pagkahanda sa pamamagitan ng
isang masidhing laro ng mga bibig.

Itinuro niya sa akin ang dapat gawin.

Habang patuloy na magkalapat an gaming mga labi at dila, kung saan-saan lumakbay ang kamay ni Rodney habang siya ay nakapatong sa katawan kong nakahiga sa kama.

>>> Side A. Play.

Ang aking dibdib, tapos sa tiyan, pababa patungo sa aking pagkalalaki na medyo nananakit dahil sa muli nitong pagtayo mula sa huling orgasm na aking nilabas.

Hinawakan niya ito. Nakakapit lang ako sa mga braso niya habang ako ay napa-ungol.

Ibinaba pa niya ang kanyang kamay hanggang sa maabot niya ang butas ng aking lagusan. Diniinan niya ito. Muli akong nagpalapabas ng ungol.

Bumaba siya sa akin. Nabigla ako nang bigla niyang dilaan ang aking anal orifice.

“Shit, Rodney!” Napasigaw ako sa sensasyon.

Umakyat siya sa akin at bumulong sa tenga ko, “I love you, Jay.”

“I love you, Rodney,” singhal ko.

“Do that to me bago mo ako tuluyang i-claim. Huwag mong biglain. Ayokong masaktan. Gusto kong masarapan at dalhin ang sarap na iyon hanggang sa libingan ko,” nang-aakit na paliwanag niya.

>>> Stop. Eject. Turn the cassette.



Umikot kami.

Ako ang pumatong sa kanya.

>>> Side B. Play.

Ginawa ko lahat ang ginawa niya sa akin. Hanggang sa paglasa sa kanyang lagusan.

Isang daliri. Dalawang daliri. Tatlong daliri.

Nagsimula sa ungol ng sakit. Hanggang sa ginhawa. Hanggang sa ungol ng sarap.

Nang makaluwag ay sinimulan kong pasukin ang kanyang lagusan.

“Masakit ba?”

“Puta, Jay. Oo. Pero huwag kang tumigil. Hindi kita susukuan.”

Tinuloy ko. Nawala ang awa ko nang maramdaman ang sarap na kumikitil sa aking pagkalalaki.

Ipinasok ko lahat.

May luhang tumulo mula sa mga mata ni Rodney. Hindi ako titigil.

Bagkos, babawian ko siya ng sarap na gawa ng aking expertise sa sex.

Hindi rin magtatagal.



“Holy… Hindi ako makapaniwala… Ah… Jayjay… Ah… Sige pa… Harder… Faster… Sa’yo ko lang ibibigay ‘to… Puta… Ang sarap mo… Harder…”

Ginawa ko lang ang lahat ng punakiusap niya. Masmabilis. Masmalalim.

Kasama ng aking pagkalalaki, ay pinasok ko sa kanya ang buo kong kaluluwa.

>>> Stop. Eject. Take the cassette off. Turn to Side A. Close.



Nagpalit ulit kami ng puwesto.

>>>Side A. Play.

“Handa ka na, Jayjay?”

Bumuntong hininga ako. Kabadong kabado.

Takot sa sakit.

Pero ayo’kong maramdaman ang habang buhay na panghihinayang kung hindi ako magpapaubaya.

“Sige na, Rodney. Saktan mo na ‘ko. Parusahan mo ‘ko.”



Unang ulos pa lang, masakit na.

Mahapdi. Parang hinahati ang katawan ko.

Ganito pala ang ginawa ko sa kanya kanina.

Napakahirap talagang magmahal.

Kinagat ko ang labi ko. Ayaw kong umaray. Ayokong tumigil siya.

Pero may tumakas na luha mula sa aking mga mata dahil sa sakit.



“Jay, titigan mo ang mga mata ko, para mawala ang sakit,” ani Rodney na nakapaimbabaw sa akin.

Ginawa ko ang minungkahi niya.

Nahilo ako sa pagtingin sa nanginginig na mga mata ni Rodney na noon pa man ay pumukay na sa aking pagkatao at humigop sa aking espiritu.

Hindi ko namalayan, buo na akong napasok ni Rodney.

At hindi nagtagal, hindi na ungol ng sakit ang nilabas ko.



“Rodney… Rodney… Sige pa… Please… Ang sarap na… Sobra… Shit… Ah… I love you…”

“I love you Jay, Huh… Huh… I love you…”



“Malapit na ako, Rodney…”

“Putangina, hindi mo naman hinawakan ‘yang iyo… Huh… Huh… Paano ka lalabasan?”

“Shit! Rodney, hindi ko na mapigilan… Ah… Sarap… I LOVE YOU, RODNEY!”

Kumalat ang seminal fluid sa aming mga tiyan nang hindi ko man lang ginagalaw ang aking pagkalalaki.

Ilang segundo lang. Sumunod na rin siya.

“Jayjay! Putangina! Ang hot mo! Sarap! I LOVE YOU!”

Naramdaman ko ang pagsabog ng kainitan sa loob ng aking mga laman.



>>> Stop. Reverse play. Record. Stop. Play Side A. Stop. Eject. Turn the cassette. Side B. Play. Stop. Reverse play. Record. Pause. Rewind. Forward. Rewind. Stop. Play. And playing… And playing… And playing…

>>> Power off.
2

THE LIGHTNING TRAIN COMMUTERS BAND (CHAPTER 47)


By: Hallur


CHAPTER 47: THE BOY IS MINE (Brandy and Monica)


BACKMASKING to the Everything You Want ride (Chapter 40).

>>> MONUMENTO

Hindi ako mapakali simula nang bumaba si Rodney sa 5th Avenue station.

Malakas ang dagundong ng puso ko.



Pagbukas ng pinto ng tren sa Monumento platform, na pagtanto ko na kung ano ang gusto ko.

Sa wakas. Bumigay na ako.

Oo na. Sige na. Gusto ko na si Rodney.

Gustong gusto ko siya.

Gusto ko lagi na siyang nasa tabi ko. Lagi kaming magkasama.

Gusto ko laging tumawa kasi kasama ko siya.

Gusto ko siyang alagaan.

Gusto kong bumawi sa kabutihan niya.

Shit. Puta. Gusto kong makipag-sex sa kanya.

Gusto ko nang maranasan ang relasyon na ino-offer niya sa akin.

Takot ako sa mga consequences, oo. Pero mastakot ako kung hindi ko pagbibigyang sumaya ang sarili ko.



Bukas na bukas. Haharapin ko na si Rodney.

Kasabay nito, haharapin ko na rin ang damdamin na matagal ko nang itinago.



Pababa na ako sa hagdan patungo sa avenida.

Sa paanan ng hagdan, sa tabi ng nagbebenta ng mga payong, may nakita akong isang pamilyar na babae.

Masmahaba ngunit mas manipis ang buhok kaysa noong huli ko siyang nakita.

Nakatingin siya sa akin.

Napatingin din ako sa kanya.



“Apple? Ano’ng ginagawa mo dito?”

“Jayjay. Puwede ba kitang makausap over dinner?”



--------------------------------------------------------------------------------------------



Gusto akong makausap ni Apple. Ngunit hindi niya alam kung saan ako kikitain at kokontakin. Kaya mula alas-sais ng gabi hanggang sa pagdating ko naghintay siya sa paanan ng hagdan ng Monumento.

Dinala ko siya sa Jollibee na malapit sa stasyon.

Umorder kami ng pagkain.

Tahimk kaming kumakain.

Napansin kong nanaba siya. Ngunit naging maputla.

Mukhang nanghina.

Hanggang sa nagsalita siya bigla.



“Jayjay, buntis ako.”

Nasamid ako, “ano?!”

“Buntis ako…” ulit niya, “si Rodney ang ama.”

Para akong nabasa ng malamig na tubig sa narinig ko. Naubos ang kulay ng mukha ko.

Ang sakit. Puta. Ang sakit sakit.



Hindi ako makatingin sa mga mata niya.

Wala naman siyang alam tungkol sa amin ni Rodney. Wala dapat.

“B-bakit mo ‘to sinasabi sa’kin?” tanong ko sa kanya, “hindi ba dapat si Rodney ang kinakausap mo?”

“Hindi siya makikinig sa akin. Ayaw niya na akong kausapin. Matigas ang ulo niya,” paliwanag niya.

“Oo nga. Pero bakit ako?”

Ang mukha ni Apple, diretso lang. Seryoso. Walang ekspresyon.



“Nang gabing ‘yon, na umuwi kami ni Rodney noong kumanta ako para sa banda niyo noong debut, ginawa ko ang lahat para mabalik siya sa akin. Inakit ko siya Jayjay. May nangyari sa amin dahil pinilit ko siya. Nilasing ko pa siyang konti. Doon nabuo ‘tong dinadala ko.”

Bawat detalye ng storya ni Apple ay tila tinik na tumitiris sa puso ko.

“Pero dahil sa ginawa ko. Sa ginawa namin. Lalo kong na-realize na tuluyan nang nawala ang puso niya sa akin. Alam mo ba? Sa buong oras na pagtatalik namin, wala siya binanggit kundi pangalan mo.”

Nanlaki ang mga mata ko.

Humihikbi na siya, “napasakit. Napakasakit malaman na hindi na sa akin ang puso niya, Jayjay. At mas lalong masakit malaman na sa lalaki niya ako pinalit.”

Naiintindihan ko ang hinagpis na nadarama niya.



“Kailan pa, Jayjay?”

Umiling ako, “wala kaming relasyon. Straight ako, Apple. Siya ang may gusto sa akin.”

“Eh, bakit parang nasasaktan ka rin sa mga naririnig mo?” diretsong tanong niya.

Umiwas ako ng tingin. Hindi ako sumagot.

“Mahal mo ba si Rodney, huh Jayjay?”

Bumuntong hininga ako, “does it matter?”

Pilit siyang tumawa, “nakakatawang humihingi ako ng tulong noon sa isang tao na all along karibal ko pala.”

Napangiti ako sa sinabi niya, “‘oy. Nireto naman talaga kita sa kaibigan ko. Kahit galit na galit na siya sa akin dahil sa pagtulak ko sa kanya sa’yo.”

“Pero ikaw talaga ang gusto ni Rodney,” nakangiting banggit niya sa akin, “ikaw? Gusto mo rin ba siya?”

“Mahalaga siya sa akin, Apple,” honest kong tugon, “hindi ko kakayaning mawala siya sa buhay ko.”



“Hindi ko alam kung ano kayo ni Rodney, o kung ano’ng mangyayari sa inyo sa mga susunod na panahon, pero may ipapakiusap sana ako sa’yo,” ani Apple.

“Ano ‘yon?”

“Puwede bang kausapin mo si Rodney? Sabihin mo sa kanyang panagutan ‘tong anak namin?” pakiusap niya.

“Bakit kailangang ako pa?”

“Dahil aminin nating dalawa, mas may bigat ang salita mo para sa kanya kaysa sa salita ko,” eksplika niya.

Tumango ako, “sige, sasabihin ko sa kanya.”



Natahimik kami pareho.

Kalahating burger pa lang ang nakain ko.

Wala pa akong nababawas sa French fries ko.

Naubos ko na ang coke ko.

Siya, isang hibla ng spaghetti pa lang ang nakakain.

Nakatitig siya sa akin.



“Guwapo ka nga Jayjay,” natatawa niyang sambit, “nakakabakla ka nga.”

Tumawa lang din ako, “maganda ka Apple. Mabait. Matalino. Talentado. Hindi mo deserve ang lahat ng shit na ‘to.”

“Tama ka. Pero nandito na tayo, eh.”

Tumango lang ako.



“Jayjay, I want to marry, Rodney,” seryosong sabi ni Apple.

“Alam ko ‘yon,” matipid kong tugon.

“I want to marry him,” ulit niya, gamit ang isang mas-mariing tono ng boses.

”Hindi kami ni Rodney. Hindi ko rin siya pag-aari,” mariin ko ring sagot.



Umiling si Apple, “that’s not true. Matagal mo nang naangkin si Rodney. Ang lahat lahat sa kanya. Pero please Jayjay. I love him. Ibigay mo na siya sa akin. I know, you have all of his heart already, kahit hindi kayo magkatuluyan ikaw pa rin ang may-ari ng puso niya. Now I just have to settle with what’s left of him for the rest of the short life I’m going to live.”

“Gentleman ako, Apple. Ipapaubaya ko talaga siya sa’yo.”

“Jayjay, salamat. Sisiguruhin ko, na magiging masaya ang hinaharap ni Rodney. At hinaharap mo rin.”

Napangisi ako, “hindi ko ma-gets ‘yung huli mong sinabi, pero thanks na rin.”

“Ipagdadasal ko na lang ang pagmamahalan niyo ni Rodney.”

Nagsalubong kilay ko, “hala. Para sa’n pa?”

Ngumiti siya, “basta.”



“Pero bago ko siya ipaubaya sa’yo Apple, puwede bang ipahiram mo siya sa’kin for one more day?”

“Okay lang. I think you deserve to celebrate his love for you.”
0
 photo ebcd0232-58ee-4505-a7db-6ba1089e6326_zpsa65e0d6f.png  photo 6003ed2d-0551-40b7-82e5-08b8d9e1c62d_zps4c051720.png
 
Support : Lasfera Hub | Bi-Romance | Hunks Nex-Door
Copyright © 2011. Pinoy M2M Story - All Rights Reserved
Like Us on: Facebook
Proudly powered by Blogger