This blog contains M2M Erotic Stories about Love and Lust. We do not claim copyright or ownership of any stories in this Blog. BELOW 18 YEARS OF AGE ARE NOT ALLOWED IN THIS BLOG.
Home » , » MATALIK NA MAGKAIBIGAN (ANG KARUGTONG)

MATALIK NA MAGKAIBIGAN (ANG KARUGTONG)


Nagpadestino si Roger sa Mindanao bilang unang assignment niya. Nais niyang lumayo muna sa kanyang mga magulang at sa mga taong nakakakilala sa kanya. Dalawang taon din ang inilagi ni Roger sa Mindanao bago niya naisipang dalawin ang mga magulang sa Luzon. Nasa serbisyo militar pa rin ang kanyang ama kaya doon pa rin sila nakatira sa kampo. Tyempo din na naka-schedule ang grand reunion sa kanilang school noong high school pa siya kaya nag-attend siya dito.

Laking gulat ng mga classmates niya ng dumating si Roger. Matikas ang pangangatawan at di mo kakikitaan ng pagiging malamya. Ang iba sa classmates niya ay pumasok din sa militar pero hindi sila mga opisyal. Ngayon ay sinasaluduhan na nila si Roger. Sir pa ang tawag nila sa kanya. Pero siya na rin ang nagpakumbaba na Roger na lang ang itawag sa kanya. Di naman daw sila nakauniporme.

Sa isang mesa sa loob ng hall ay napansin niya ang isang lalaki na pamilyar sa kanya ang pagmumukha na may kasamang isang babae. Nilapitan niya ito at laking gulat niya ng yakapin siya ng lalaking ito.

“Kumusta ka na Roger? Ang tagal nating di nagkita.” ang panimulang bati ng lalaking yumakap sa kanya.

“Mark, ikaw ba yan?” lalo kang gumagwapo ha.

“By the way Roger, si Belinda pala ang girlfriend ko.” ang pagpapakilala ni Mark kay Roger sa kasama nitong babae.

“Hi, Roger. So ikaw pala yung best friend ni Mark noon high school na madalas niyang ikwento sa akin.” ang bungad ni Belinda.

“Lahat ba ng sekreto namin ay naikwento na ni Mark?” ang pabirong tanong ni Roger kay Belinda.

“Ewan ko, kung nagsasabi ng totoo sa akin si Mark. Balita ko kasi ang dami nyo daw pinaluhang chicks.” ang dugtong pa ni Belinda.

“Ha ha ha…. Si Mark siguro marami ng pinaluhang……..” ang pabirong tugon ni Roger na naudlot ng sikuhin sya ni Mark sa tagiliran.

Nagpatuloy ang masayahang kwentuhan ng magkaibigan hanggang sa simulan ang pinakaprograma ng reunion. Isa-isang binanggit ng nagsasalita sa entablado ang mga prominenteng tao na alumni ng school na iyon. Nagulat si Roger ng mabanggit din ang pangalan niya. Di niya akalaing tinuturing na rin pala siyang isang karangalan ng kanyang school. Nang matapos ang programa ay nagpaalam na si Roger kay Mark at sa nobya nito. Masayang umuwi si Roger dahil nakita niyang muli si Mark. Subalit may kalungkutan din dahil nakilala niya ang bagong minamahal ni Mark.

Hindi makatulog si Roger ng gabing iyon kaya naman kinuha niya sa wallet niya ang calling card na iniabot ni Mark sa kanya. Naroroon ang cellphone number ni Mark pero nagdalawang isip siya kung tatawagan o ite-text niya si Mark. Sa tagal niyang magdesisyon kung tatawagan niya si Mark ay biglang may pumasok na text message sa kanyang cellphone.

“Hi, Roger si Mark ito. Di mo naibigay ang number mo kanina kaya gumawa ako ng paraan at nagbaksaling naisulat mo sa registration book ang number mo. Buti na lang naisulat mo. Baka kasi di mo ako tawagan o i-text kahit nabigyan na kita ng calling card ko.” ang nilalaman ng text message na iyon.

Hindi malaman ni Roger ang gagawin kaya muli siyang nag-isip kung sasagutin ang text message ng kaibigan. Medyo nainip siguro si Mark sa sagot ni Roger kaya siya na naman ang nagpadala ng text message.

“Bakit di ka sumasagot? Galit ka ba sa akin dahil hindi man lang ako nagpakita sa iyo after ng graduation natin.” ang naging text message muli ni Mark kay Roger.

Sa sandaling iyon ay napilitan ng sagutin ni Roger ang text message ni Mark.

“Ako nga ang dapat mag-sorry sa iyo. Kasi di ko man lamang naipaglaban kay itay ang tungkol sa atin noon.” ang text naman ni Roger kay Mark.

“Huwag mo ng isipin iyon. Tapos na iyon at matured na tayo ngayon. Kumusta na love life mo?” ang tanong ni Mark sa text message nito kay Roger.

“Ako, wala pa ring pagbabago. Zero pa rin.” ang sagot naman ni Roger kay Mark sa text.

“Anong wala, eh ang daming gwapong sundalo ang hawak mo ngayon.” ang pabirong text ni Mark.

“Ikaw talaga Mark, di maganda iyon. Nakikipagdigma kami sa mga kalaban ng pamahalaan na handang pumatay para sa bayan tapos malalaman nilang ganoon pala ako.” ang sagot ni Roger sa text.

“Biro lang ha, baka magalit ka pa nyan.” ang muling text ni Mark kay Roger. “Hanggang kailan ang bakasyon mo?” ang dugtong na text ni Mark kay Roger.

“Sa isang araw pa. Pero balak ko na sanang bumalik bukas kasi naiinip na rin ako dito sa bahay.” ang sagot na text ni Roger kay Mark.

“Huwag ka munang umuwi bukas. Magkita muna tayo sa kabayanan.” ang paanyaya ni Mark sa text nito kay Roger.

“Eh papaano si Belinda ang girlfriend mo?” ang text ni Roger kay Mark.

“Inihatid ko na siya sa bus station kanina. Pinauna ko na pabalik ng Maynila.” ang text naman ni Mark kay Roger.

“Walang hiya ka, bakit mo naman pinagsolong umuwi sa Maynila ang girlfriend mo?” ang muling text ni Roger kay Mark.

“Syempre nagsinungaling ako sa kanya. Alanganin namang aminin ko sa kanya na nandirito kasi ang tunay na mahal ko kaya mauna na siya.” ang pabirong text ni Mark kay Roger.

“Grabe ka talaga Mark. Sige magkita na lang tayo bukas ng 10:00 AM doon sa tapat ng post office.” ang naging tugon ni Roger sa text.

“Ok, basta bukas kita tayo doon. Goodnight na lang pare.” ang huling text ni Mark kay Roger.

“Godnight din sa iyo.” ang huli text naman ni Roger kay Mark.

Alas nwebe y medya pa lang ay naroroon na si Roger sa hintayan nila ni Mark. Hindi rin nagtagal at dumating na si Mark dala nito ang kanyang kotse. Sumakay si Roger sa kotse at humanap sila ng magandagandang restaurant sa kabayanan. Habang nagla-lunch ang dalawa ay panay kwentuhan pa rin nila ng tungkol sa mga buhay buhay nila buhat ng sila ay maghiwalay. Inabot di sila ng alas-dos ng hapon sa restaurant na kinainan nila. Nagyayang umuwi si Roger subalit ibang daan ang tinahak nila ni Mark. Palibhasa ay hawak ni Mark ang manubela kaya di na umangal si Roger.

Sa isang motel ipinasok ni Mark ang kotse at biglang nahiya si Roger ng salubungin sila ng isang empleyado at pinapasok ang kotse nila sa isang garahe.

“Bakit dito tayo nagpunta?” ang tanong ni Roger kay Mark.

“Nais ko lang ma-experience muli yung ginagawa nating noon high school pa tayo.” ang sagot naman ni Mark.

Di na muling nakapagtanong si Roger dahil inilapat na ni Mark ang mga labi sa mga labi ni Roger. Makalipas ang mahigit anim na taon ay muli nilang nadama ang walang kasintulad na kaligayahan. Dahil sa pananabik sa isa’t isa ay nakailang ulit ang mga romanhasang nag-aalab. Madilim na ng lumabas sila sa motel. Inihatid ni Mark si Roger sa kanilang bahay bago ito tumulak pabalik ng Maynila. Kinabukasan naman ay bumalik na rin si Roger sa Mindanao.

Dahil sa cellphone ay naging madalas ang communication ng dalawang magkaibigan. Nang maging aktibo na naman ang rebelde sa lugar kung saan nakadestino si Roger ay naging abala ito sa pakikipagbaka. Madalas ay nasa lugar na walang signal ang cellphone si Roger kaya hindi siya makapagtext o makatawag man lang kay Mark. Inabot din ng ilang buwan ang pagkaputol ng kanilang communication. Isang araw ay sinundo ng helicopter si Roger sa kanilang pansamantalang kampo. Meron daw naghihintay siyang bisita doon sa base camp nila. Wala ng ibinigay na detalye ang piloto kaya naging malaking katanungan kay Roger kung sino ang naghahanap sa kanya.

Dali daling nagligpit ng kagamitan si Roger at nang marating niya ang base camp nila ay nagulat siya na si Mark pala ang kanyang bisita. Ginamit pala ni Mark ang impluwensya ng kanyang ama upang matunton ang kinaroroonan ni Roger. Mataas na rin kasi ang katungkulan ng kanyang amang militar. Wala man sa tamang panahon ay nagfile ng leave si Roger at agad naman itong pinayagan ng kanyang mga superior sa pakiusap na rin marahil ng ama ni Mark.

“Papaano mo napakiusapan ang iyong ama ng mga ganoong bagay?” ang tanong ni Roger kay Mark.

“Simple lang. Sabi ko kasi sa kanya ng magandang lugar dito sa south na pwede naming puntahan ni Belinda sa aming honeymoon.” ang tugon naman ni Mark.

“Eh, bakit ako ang pinuntahan mo. Bakit hindi ka na lamang nagtanong sa mga travel agency?” ang tanong muli ni Roger kay Mark.

“Sinabi ko rin na ilang taon ka dito kaya kabisado ang lugar dito. Gusto ko kasi na safe ang lugar na pupuntahan namin ni Belinda at yung hindi masyadong commercialized.” ang tugon ni Mark. “Yung simple lang pero maganda at tahimik.” dugtong pa ni Mark.

“Maraming magagandang lugar dito kaya lang hindi gaanong tahimik. Sa loob ng kampo doon tahimik.” ang pabirong sinabi ni Roger kay Mark.

“He he he…. Nagpapatawa siya.” ang biglang nasabi ni Mark.

“Kailan ba ang kasal nyo?” muling nagtanong si Roger.

“Sa isang buwan pa.” ang sagot naman ni Mark. “Ikaw pala ang aking best man kaya huwag kang mawawala sa araw na iyon.” dugtong pa ni Mark.

“Sige ngayon palang ay magpa-file na ako ng leave para makauwi ako.” ang sabi naman ni Roger.

“Heto pala ng imbitasyon, nandiyan ang pangalan ng simbahan at hotel kung saan ang reception.” sabay abot ni Mark ng isang puting sobre kay Roger.

Hindi na nagkaroon ng pagkakataong buksan ni Roger ang sobreng naglalaman ng invitation sa kasal ni Mark. Nagyaya na kasing kumain sa labas ang kanyang kaibigan. Matapos kumain ay nagsimula na silang humanap ng lugar na nais ni Mark. Sa araw na iyon ay hindi sila nakahanap ng gustong lugar ni Mark. Kinagabihan ay sa isang hotel sila tumuloy. Katulad ng inaasahan ay naulit muli ang romansahan nila Roger at Mark.

Kinabukasan ay nagpatuloy sila sa paghahanap ng lugar kung saan magha-honeymoon si Mark. Bago magtanghali ay nakapili na ng lugar si Mark. Simple lang ang lugar at malayo sa kabayanan. Maganda at malinis ang beach. Dahil sa kalayuan nito sa kabayanan ay di ito puntahin ng mga tao maliban lamang sa mga dayuhan na regular na pinupuntahan ang lugar na ito. Nagpareserve si Mark ng isang villa ng gagamitin nila sa loob ng isang linggo at nagbayad na rin ng downpayment.

Nang makabalik sila ng kampo at nakisakay na rin si Mark sa military plane papuntang Maynila. Hindi na sila gaanong nakapag-usap ni Roger dahil bumalik din agad si Roger sa temporary camp nila. Doon na niya nabuksan ang sobre ng invitation. Laking pagtataka ni Roger dahil tanging petsa at oras ng misa, pangalan at address ng simbahan at hotel ang tanging laman ng invitation. Hindi na niya nakuhang tanungin ang kaibigan kung bakit ganoon ang invitation sa kanya dahil wala namang signal ng cellphone sa kanilang lugar.

Sa kaabalahan ni Roger sa pakikipagbaka sa mga rebelde ay hindi na niya muling natawagan o nai-text si Mark. Isang araw bago ang nakatakdang araw ng kasal ni Mark ay nagleave na si Roger. Pumunta siya ng Maynila at tumuloy sa isang hotel na di kalayuan sa lugar kung saan ikakasal si Mark. Bumili din siya ng damit na kakailanganin niya, ang barong tagalog, pantalon at sapatos. Nagpunta rin siya sa parlor upang magpagupit at para naman magmukhang gwapo muli siya sa simbahan kahit medyo sunog na ang kanyang balat sa araw. Di na rin niyang nagawang tawagan ang kaibigan dahil gusto niyang medyo kabahan ang kaibigan kung darating siya o hindi.

Maaga pa lang ay excited na si Roger na makapunta sa simbahan. Subalit plano talaga niya na sa eksaktong oras ng kasal siya mapapakita sa simbahan. Nang magpunta siya sa simbahan ay laking pagtataka niya. Mukhang wala namang kasalang magaganap doon. Nagtanong pa siya sa nangangalaga ng simbahan kung may kasalan doon at kung iyon nga ang simbahang nakasulat sa invitation ni Mark. Iyon nga ang simbahan pero walang naka-schedule na kasalan sa araw na iyon. Isang espesyal na misa daw ang gaganapin doon.

Sumama ang loob ni Roger dahil naisip niya na niloko siya ni Mark. Kaya minabuti na lamang niyang lumabas ng simbahan. Sa kanyang paglabas ay sinalubong siya ng isang lalaking nakabarong tagalog din. Si Mark pala iyon. Kasunod ni Mark ang mga magulang niya, mga kapatid at ang iba pang miyembro ng pamilya. Sa isang van naman ay nakilala ni Roger ang mga bumabang tao, ang kanyang mga magulang at ilang classmates niya noong high school pa siya. Lahat ay naka-formal na kasuotan.

“Oh, ano pang hinhintay natin, baka magsisimula na ang misa, pasok na tayo.” ang paanyaya ni Mark sa lahat ng kasama.

Hindi na nakapagsalita si Roger. Magkatabi sa upuan sina Roger at Mark habang nagmimisa. Nabanggit ng pari na ang misang iyon ay para sa magkaibigang Roger at Mark na pareho ng matagumpay sa kani-kanilang profession. Sa homily ay pinayuhan ng pari sina Mark at Roger na huwag lumaki ang mga ulo sa natatamong tagumpay at sana manatili silang matalik na magkaibigan habang buhay at sana maging mapagbigay sila sa isa’t isa para maging matatag pa lalo ang kanilang pagkakaibigan.

Matapos ang misa ay tumuloy sila sa isang hotel kung saan nagpareserve si Mark na munting salu-salo. Doon lubusang nakausap ni Roger ang mga magulang. Nalaman niya sa mga magulang na si Mark ang kumausap sa kanila at nagkumbinse sa kanilang pagdalo sa araw na iyon. Sa pakiusap ni Mark sa kanila ay napag-isip-isip ng ama ni Roger na panahon na rin siguro na maging maligaya ang kanyang nag-iisang anak. Naging pagkakataon din iyon sa ama ni Roger na humingi ng tawad sa pagmamalupit nito sa kanya. Ibinilin pa nito kay Mark na huwag nyang sasaktan ang kanyang anak.

Nagtaka din si Roger sa pamilya ni Mark na naging mabait sa pagharap sa kanya. Tulad ng ama ni Roger, ipinagbilin din si Mark na laging gabayan ni Roger sa lahat ng desisyon nito. Alam kasi nila na si Roger ang naging dahilan ng pagbabago sa buhay ni Mark mula ng magkakilala sila. Ang ilang dating classmates ni Roger naman ay bumati kay Roger sa mga natamo nitong tagumpay. Nagpaumanhin din sila dahil minsan naging tampulan ng pangungutya si Roger ng nasa high school palang sila. Hindi pala sukatan ang sexual preference ng isang tao para maabot ang tagumpay. Lahat ay pantay-pantay ano mang larangan ang harapin mo.

Bago natapos ang salu-salo ay naitanong ni Roger kay Mark kung ano ang nangyari sa kanila ni Belinda. Umamin ang kaibigan na noong hinatid niya sa bus station ang kasintahan ay nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan hanggang matuloy sa hiwalayan.

Kinabukasan ay nagtungo na ang dalawang magkaibigan sa lugar na pinareserve ni Mark. Silang dalawa pala ang gagamit ng villa doon. Kaya pala yun ang pinili ni Mark ay malaya nilang magagawa ang pagpapahayag ng kanilang nararamdaman sa isa’t isa kahit sa harap ng publiko tulad ng pagyakap at paghalik. Ganoon din kasi ang mga banyagang bisita sa resort na iyon. Lalaki man sa lalaki o babae man sa babae. Walang nakikialam sa mga bisita doon at tanggap na rin ng mga Pilipinong empleyado ang ganoong pangitain. Sa unang gabi nila doon ay muling binasa ni Mark ang sulat ni Roger sa araw ng kanilang graduation. Ito ang nilalaman ng sulat:

Mark,
Salamat sa maikling panahon na napaligaya mo ako. Mas higit ka pa sa medalyang matatanggap ko sa araw na ito. Tulad ng nasabi ko na sa iyo, ikaw pa lamang ang tanging minahal ko ng ganito. Naging mapaghusga man ang kapalaran sa akin, masaya pa rin ako dahil may isang tulad mo na aking minahal at sa tingin ko ay mamahalin ko habang buhay. Tandaan mo Mark, kahit tuluyan man tayong magkalayo at di na muling magkita, mananatili ka dito sa puso ko.

Roger


Sa ngayon ay nagmamay-ari na ng isang condominium unit ang magkaibigan dito sa Maynila. Isa ng manager sa bangko si Mark at si Roger naman ay isang captain na malapit na mapromote bilang major. Makakasabay sa promotion ni Roger ang pagdedestino sa kanya dito sa Maynila. Sa panahong iyon ay tiyak na lagi ng magkakasama ang matalik na magkaibigan.



- WAKAS -
Share this article :

1 comments:

Anonymous said...

How sweet!!!... ;-)

Post a Comment

ChatBox

 photo ebcd0232-58ee-4505-a7db-6ba1089e6326_zpsa65e0d6f.png  photo 6003ed2d-0551-40b7-82e5-08b8d9e1c62d_zps4c051720.png
 
Support : Lasfera Hub | Bi-Romance | Hunks Nex-Door
Copyright © 2011. Pinoy M2M Story - All Rights Reserved
Like Us on: Facebook
Proudly powered by Blogger